Wednesday, December 5, 2012

Back Track - Pagbalik sa Ruta ng mga Manlalayag

Ang Panahon ng Paglalayag ay nagbukas sa maslalong pag-lawak ng ugnayan ng Europa at iba pang kontinente. Isa sa mga naging bunga nito ay ang pananakop ng lupain o ang unang yugto ng kolonisasyon.
Nasa ibaba ang mga link ng mga mapa na nagpapakita ng ruta ng kanilang paglalayag. I-click ang link at sa pamamagitan ng google earth balikan ang kanilang ruta sa pamamagitan ng paglagay ng path sa google map, sa pamamagitan nito malalaman niyo rin ang distansya ng kanilang naging paglalakbay.

4. Ruta ni Christopher Columbus (Unang Biyahe): http://en.wikipedia.org/wiki/File:Primer_viaje_de_Col%C3%B3n.svg
6. Ruta ni John Cabot (Unang Biyahe): http://allaboutexplorers.com/explorers/cabot/
7. Ruta ni Jacques Cartier (Unang Biyahe): http://en.wikipedia.org/wiki/Jacques_Cartier
8. Ruta ni Henry Hudson para sa Netherlands:http://www.robinsonlibrary.com/america/discovery/hudson.htm

Pagyamanin pa ang inyong kaalaman! Bisitahin ang website na ito para malaman pa ang mga kuwento ng oba pang explorers http://allaboutexplorers.com 

Wednesday, November 28, 2012

Human Trafficking - Makabagong Pang-aalipin?

Ang Human Trafficking ay isang krimen kung saan nilalabag nito ang kalayaan at karapatan ng isang tao at higit sa lahat nilalapastanganan nito ang pagkatao o dignidad ng isang tao. Alamin pa ang tungkol dito sa pamamagitan ng United Nations, basahin ang iba pang detalye tungkol sa human trafficking. sa link na ito:
UNODC about human trafficking.

Makisama sa MTV Exit isang programa na sinusuportahan ng mga paborito niyong artists laban sa human trafficking bisitahin ang link: http://mtvexit.org/trafficking/

Panoorin ang video clip na ito tungkol sa Human Trafficking in the Philippines.


Gawain: Photo-Essay Laban sa Human Trafficking
Layunin: Ang Human Trafficking ay isang laganap na suliranin ng ating bansa, ipahayag ang pagtutol niyo dito sa pamamagitan ng isang photo-essay.

Panuto:
1. Maghanap ng photo sa internet at gamit ang mga online photo-editor lagyan ito ng minimal na teksto na nagpapahayag na inyong mensahe.
2.O kaya, Maghanap ng photo sa internet at gamit ang photo-editing tool sa desktop, lagyan ng minimal na teksto na nagpapahayag ng inyong mensahe.
3. Kung online ang Photo, isend ang link sa guruwaku@gmail.com, kung sa desktop ito ginawa i-send ang file bilang attachment sa parehong e-mail address.
4. Maaring magkasama ang 4-6 miyembro sa iang photo-essay.

Rubrics: Creativity: 20%, Relevance: 50%, Visual Impact: 30%
gamitin ang inyong mga ginawang photo-essay at ipost sa inyong fb account para ikalat ang tungkol sa human trafficking

Ang December 2 ay selebrasyon ng "International Day of Abolition of Slavery", suportahan natin ang kampanya laban sa Modern Day Slavery.

SIMPLE PLAN's MTV against Human Trafficking: This Song Saved My Life

Wednesday, November 21, 2012

Kabataan Para sa Pagbabago

Matapos nating malaman ang mga kaganapan sa Repormasyon at matunghayan ang pagpaskil ng 95 Theses ni Martin Luther, ikaw naman ang magpaskil ng mga nais niyong reporma sa pamamagitan ng online sticky notes sa ibaba.

Ang gawain na ito ay may sumusunod na layunin:
  • gamitin ang inyong malalim na pag-iisip,
  • ipahayag ang mga kaganapan sa inyong buhay o lipunan na nangangailangan ng reporma 
  • mag-isip at ipahayag ang suhestyon para mabago ang naibigay niyong kalagayan.
 Panuto:
  • Mag-grab ng sticky note batay sa kulay na nakaassign sa seksyon niyo Red-Discovery, Pink-Excellence, Orange-Idealism, Yellow-Faith, Green-Fortitude, Blue-Kindness
  • Unang isulat ang Pangalan at Seksyon
  • Isulat ang kasalukuyang suliranin:
  • Isulat ang suhestyon para sa pagbabago.
  • Importante: Isulat sa tags: sticky1, at ang seksyon ninyo.

Wednesday, November 14, 2012

Renaissance: Isang Pagsusuri ng mga Likhang Sining

Nalaman natin na ang panahon ng Renaissance ay ang muling pagkabuhay ng sining at agham sa Kanlurang Europa, mula sa inspirasyon sa mga klasikong likhang sining at kaalaman noong panahon ng mga Griyego at Romano.

Sa gawain na ito, magsisilbi kayong mga tagasuri ng likhang sining noong Panahon ng Renaissance o mga art critics ng mga Renaissance Artworks. 

1. Bisitahin ang mga link at sagutin ang hinihingi ng bawat talahanayan.
https://docs.google.com/document/d/13M_TxqZYBhUs0x2zmyXJTcZDOvfNkNAuiz-f1R4a7QE
2. Maaari ring kopyahin ito sa short coupon bond kung nais niyong magpasa ng hand written output.
3.  I-save at magpasa ng print-out ng inyong output

Proyekto ng Ikatlong Markahan 2012-2013

Tuesday, November 13, 2012

Ang Paglakas ng National Monarchy

Isang salik sa paglakas ng Europa noong Kalagitnaang Panahon ay ang paglawak ng kapangyarihan ng mga Hari ng mga estadong nasyon sa Europa. Ang pagbabago ng pamamahala mula sa kamay ng mga panginoong piyudal patungo sa sentralisadong pamamahala ng mga hari sa Spain, England, France, Germany at Russia ang naghatid sa panibagong direksyon sa kasaysayan ng Europa.
Layunin ng gawain na ito ang sumusunod:
1. Kilalanin ang isang nagawa ng naibigay na mga pinuno.
2. Suriin ang naging epekto ng kanilang nagawa sa paglakas ng kanilang bansa.
3. Ipahayag ang kahalagahan ng matatag na pamumuno sa paglakas ng isang bansa.
PANUTO:
1. I-Click ang sumusunod na link:
ttps://docs.google.com/document/d/1lI_zHQMEIGrCSiLwSWxftEjezY5W1qhlN0bUnDfHMAk/edit
2. Idownload ang file na ito sa pamamagitan ng pag-click sa file at download as
3. Ibigay ang hinihingi ng talahanayan, sa pamamagitan ng pagsaliksik sa internet.
4. Matapos ang pananaliksik, sagutin ang pangkonklusyon na katanungan.
5. Palitan ang file name ng inyong nagawa ng: Section_Hari_Surname
6. I-attach ang file sa inyong email at ipadala sa guruwaku@gmail.com ang subject ay pareho din sa file name.

Sunday, July 22, 2012

Heograpiya at Kabihasnan

Itinuturing ang kabihasnan o sibilisasyon na antas ng maunlad na kultura. Magandang halimbawa ng mga ito ang mga paksa niyo noong kayo ay nasa Ikalawang Taon, ang kahanga-hangang mga sibilisasyon ng Sumer, China at India, mga sibilisasyong naitatag mga pitong libong taon na ang nakakaraan ngunit nakapag-ambag ng malaking simula bilang pundasyon ng ating modernong kultura at teknolohiya.

Napag-aralan niyo sa nakalipas na mga paksa na ang lahat ng pisikal na katangian ng ating mundo ay magkakaugnay, at nakakaapekto ng malaki ang heograpiya sa maraming aspeto ng ating pamumuhay. Kaya naman sa susunod na mga gawain, tutukuyin niyo ang kaugnayan ng heograpiya at pinagmulan ng kabihasnan.


Sa gawain na ito, kayo ay magsisilbing mga

IMBESTIGADOR NG HEOGRAPIYA 
NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN

Susuriin ninyo ang klima at topograpiya ng apat na sinaunang kabihasnan. Tuklasin ang heograpikal na katangian ng mga sinaunang kabihasnan at ikumpara ito sa ating nararanasan ngayon.

Layunin ng gawain na ito ang sumusunod:

1.       Bumuo ng pansariling haypotesis kung saang lugar umusbong ang mga sinaunang kabihasnan.
2.       Saliksikin ang klima at topograpiya ng mga sinanunang kabihasnan, sa pamamagitan ng mga websites na ibibigay ng inyong guro.
3.       Bumuo ng konklusyon tungkol sa kaugnayan ng kabihasnan at heograpiya.
4.       Ibahagi ang nasasaliksik sa buong klase.



Ang activity sheet ay ibibigay sa inyo ng inyong guro at ang mga links sa website bilang inyong mga sanggunian ay nasa ibaba:

1. Makakatulong ang sanggunian na ito sa pag-intindi kung paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan malapit sa mga ilog:
    a. Rise of the Hydraulic Civilizations
    b. Powerpoint Slide - River Valley Civilisations

2. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Sumer
    a. Flow of History - Mesopotamia
    b. How Were Northern & Southern Mesopotamia Different?
    c. The River Valley Civilisations - Mesopotamia
    d. Powerpoint - Geography of Mesopotamia
     e. Dokyumentaryo - Kabihasnang Mesopotamia
3. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Ehipto
    a. Flow of History - Egypt
    b. Comparison of India and Egypt
    c. The River Valley Civilisations - Egypt
    d. Powerpoint - Ancient Egypt
     e. Dokyumentaryo - Ehipto
4. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Indus
    a. Indus Valley Civilisation
    b. Ancient India and Climate Change
    c. Powerpoint - Ancient India
    d. The River Valley Civilisations - Indus
     e. Dokyumentaryo - Sibilisasyong Indus
5. Mga resources tungkol sa Kabihasnang China
    a. Flow of History - China
    b. Ancient China and Rainfall
    c. The Rise of Civilization in China
    d. The River Valley Civilisations - China
    e. Powerpoint - China
    e. Dokyumentaryo - Sibilisasyong Tsina

Pagyamanin pa ang inyong kaalaman, puntahan ang mga lugar na nabanggit sa mga sanggunian ninyo sa pamamagitan ng google maps, bing maps o google earth.

Monday, June 18, 2012

Heograpiya at ICT

Dala ng makabagong teknolohiya mayroong mga website na maaaring magamit sa pag-aaral ng heograpiya at ito ang mga sattelite maps na maaari niyong magamit ng libre tulad ng:

1. http://www.bing.com/maps/
2. https://maps.google.com.ph/

Mayroon ding mga libreng software na maaari niyong magamit na katulad din ng mga nasa itaas, masmarami rin ang features nito, ito ang Google Earth, maaari niyong madownload ang free software na ito sa:
http://www.google.com/earth/index.html

User-friendly ang interface nito kaya madali niyo itong mapag-aaralan.