Sunday, July 22, 2012

Heograpiya at Kabihasnan

Itinuturing ang kabihasnan o sibilisasyon na antas ng maunlad na kultura. Magandang halimbawa ng mga ito ang mga paksa niyo noong kayo ay nasa Ikalawang Taon, ang kahanga-hangang mga sibilisasyon ng Sumer, China at India, mga sibilisasyong naitatag mga pitong libong taon na ang nakakaraan ngunit nakapag-ambag ng malaking simula bilang pundasyon ng ating modernong kultura at teknolohiya.

Napag-aralan niyo sa nakalipas na mga paksa na ang lahat ng pisikal na katangian ng ating mundo ay magkakaugnay, at nakakaapekto ng malaki ang heograpiya sa maraming aspeto ng ating pamumuhay. Kaya naman sa susunod na mga gawain, tutukuyin niyo ang kaugnayan ng heograpiya at pinagmulan ng kabihasnan.


Sa gawain na ito, kayo ay magsisilbing mga

IMBESTIGADOR NG HEOGRAPIYA 
NG MGA SINAUNANG KABIHASNAN

Susuriin ninyo ang klima at topograpiya ng apat na sinaunang kabihasnan. Tuklasin ang heograpikal na katangian ng mga sinaunang kabihasnan at ikumpara ito sa ating nararanasan ngayon.

Layunin ng gawain na ito ang sumusunod:

1.       Bumuo ng pansariling haypotesis kung saang lugar umusbong ang mga sinaunang kabihasnan.
2.       Saliksikin ang klima at topograpiya ng mga sinanunang kabihasnan, sa pamamagitan ng mga websites na ibibigay ng inyong guro.
3.       Bumuo ng konklusyon tungkol sa kaugnayan ng kabihasnan at heograpiya.
4.       Ibahagi ang nasasaliksik sa buong klase.



Ang activity sheet ay ibibigay sa inyo ng inyong guro at ang mga links sa website bilang inyong mga sanggunian ay nasa ibaba:

1. Makakatulong ang sanggunian na ito sa pag-intindi kung paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan malapit sa mga ilog:
    a. Rise of the Hydraulic Civilizations
    b. Powerpoint Slide - River Valley Civilisations

2. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Sumer
    a. Flow of History - Mesopotamia
    b. How Were Northern & Southern Mesopotamia Different?
    c. The River Valley Civilisations - Mesopotamia
    d. Powerpoint - Geography of Mesopotamia
     e. Dokyumentaryo - Kabihasnang Mesopotamia
3. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Ehipto
    a. Flow of History - Egypt
    b. Comparison of India and Egypt
    c. The River Valley Civilisations - Egypt
    d. Powerpoint - Ancient Egypt
     e. Dokyumentaryo - Ehipto
4. Mga resources tungkol sa Kabihasnang Indus
    a. Indus Valley Civilisation
    b. Ancient India and Climate Change
    c. Powerpoint - Ancient India
    d. The River Valley Civilisations - Indus
     e. Dokyumentaryo - Sibilisasyong Indus
5. Mga resources tungkol sa Kabihasnang China
    a. Flow of History - China
    b. Ancient China and Rainfall
    c. The Rise of Civilization in China
    d. The River Valley Civilisations - China
    e. Powerpoint - China
    e. Dokyumentaryo - Sibilisasyong Tsina

Pagyamanin pa ang inyong kaalaman, puntahan ang mga lugar na nabanggit sa mga sanggunian ninyo sa pamamagitan ng google maps, bing maps o google earth.