Wednesday, November 28, 2012

Human Trafficking - Makabagong Pang-aalipin?

Ang Human Trafficking ay isang krimen kung saan nilalabag nito ang kalayaan at karapatan ng isang tao at higit sa lahat nilalapastanganan nito ang pagkatao o dignidad ng isang tao. Alamin pa ang tungkol dito sa pamamagitan ng United Nations, basahin ang iba pang detalye tungkol sa human trafficking. sa link na ito:
UNODC about human trafficking.

Makisama sa MTV Exit isang programa na sinusuportahan ng mga paborito niyong artists laban sa human trafficking bisitahin ang link: http://mtvexit.org/trafficking/

Panoorin ang video clip na ito tungkol sa Human Trafficking in the Philippines.


Gawain: Photo-Essay Laban sa Human Trafficking
Layunin: Ang Human Trafficking ay isang laganap na suliranin ng ating bansa, ipahayag ang pagtutol niyo dito sa pamamagitan ng isang photo-essay.

Panuto:
1. Maghanap ng photo sa internet at gamit ang mga online photo-editor lagyan ito ng minimal na teksto na nagpapahayag na inyong mensahe.
2.O kaya, Maghanap ng photo sa internet at gamit ang photo-editing tool sa desktop, lagyan ng minimal na teksto na nagpapahayag ng inyong mensahe.
3. Kung online ang Photo, isend ang link sa guruwaku@gmail.com, kung sa desktop ito ginawa i-send ang file bilang attachment sa parehong e-mail address.
4. Maaring magkasama ang 4-6 miyembro sa iang photo-essay.

Rubrics: Creativity: 20%, Relevance: 50%, Visual Impact: 30%
gamitin ang inyong mga ginawang photo-essay at ipost sa inyong fb account para ikalat ang tungkol sa human trafficking

Ang December 2 ay selebrasyon ng "International Day of Abolition of Slavery", suportahan natin ang kampanya laban sa Modern Day Slavery.

SIMPLE PLAN's MTV against Human Trafficking: This Song Saved My Life

Wednesday, November 21, 2012

Kabataan Para sa Pagbabago

Matapos nating malaman ang mga kaganapan sa Repormasyon at matunghayan ang pagpaskil ng 95 Theses ni Martin Luther, ikaw naman ang magpaskil ng mga nais niyong reporma sa pamamagitan ng online sticky notes sa ibaba.

Ang gawain na ito ay may sumusunod na layunin:
  • gamitin ang inyong malalim na pag-iisip,
  • ipahayag ang mga kaganapan sa inyong buhay o lipunan na nangangailangan ng reporma 
  • mag-isip at ipahayag ang suhestyon para mabago ang naibigay niyong kalagayan.
 Panuto:
  • Mag-grab ng sticky note batay sa kulay na nakaassign sa seksyon niyo Red-Discovery, Pink-Excellence, Orange-Idealism, Yellow-Faith, Green-Fortitude, Blue-Kindness
  • Unang isulat ang Pangalan at Seksyon
  • Isulat ang kasalukuyang suliranin:
  • Isulat ang suhestyon para sa pagbabago.
  • Importante: Isulat sa tags: sticky1, at ang seksyon ninyo.

Wednesday, November 14, 2012

Renaissance: Isang Pagsusuri ng mga Likhang Sining

Nalaman natin na ang panahon ng Renaissance ay ang muling pagkabuhay ng sining at agham sa Kanlurang Europa, mula sa inspirasyon sa mga klasikong likhang sining at kaalaman noong panahon ng mga Griyego at Romano.

Sa gawain na ito, magsisilbi kayong mga tagasuri ng likhang sining noong Panahon ng Renaissance o mga art critics ng mga Renaissance Artworks. 

1. Bisitahin ang mga link at sagutin ang hinihingi ng bawat talahanayan.
https://docs.google.com/document/d/13M_TxqZYBhUs0x2zmyXJTcZDOvfNkNAuiz-f1R4a7QE
2. Maaari ring kopyahin ito sa short coupon bond kung nais niyong magpasa ng hand written output.
3.  I-save at magpasa ng print-out ng inyong output

Proyekto ng Ikatlong Markahan 2012-2013

Tuesday, November 13, 2012

Ang Paglakas ng National Monarchy

Isang salik sa paglakas ng Europa noong Kalagitnaang Panahon ay ang paglawak ng kapangyarihan ng mga Hari ng mga estadong nasyon sa Europa. Ang pagbabago ng pamamahala mula sa kamay ng mga panginoong piyudal patungo sa sentralisadong pamamahala ng mga hari sa Spain, England, France, Germany at Russia ang naghatid sa panibagong direksyon sa kasaysayan ng Europa.
Layunin ng gawain na ito ang sumusunod:
1. Kilalanin ang isang nagawa ng naibigay na mga pinuno.
2. Suriin ang naging epekto ng kanilang nagawa sa paglakas ng kanilang bansa.
3. Ipahayag ang kahalagahan ng matatag na pamumuno sa paglakas ng isang bansa.
PANUTO:
1. I-Click ang sumusunod na link:
ttps://docs.google.com/document/d/1lI_zHQMEIGrCSiLwSWxftEjezY5W1qhlN0bUnDfHMAk/edit
2. Idownload ang file na ito sa pamamagitan ng pag-click sa file at download as
3. Ibigay ang hinihingi ng talahanayan, sa pamamagitan ng pagsaliksik sa internet.
4. Matapos ang pananaliksik, sagutin ang pangkonklusyon na katanungan.
5. Palitan ang file name ng inyong nagawa ng: Section_Hari_Surname
6. I-attach ang file sa inyong email at ipadala sa guruwaku@gmail.com ang subject ay pareho din sa file name.